“Mauuna na ho kami. Maraming salamat po sa lahat.” Paalam ng umuupa sa bakanteng silid sa bahay ni Miko.
Kailangan na naman niyang maglagay sa labas ng kanilang bahay ng karatula, “ROOM FOR RENT”, nanghihinayang kasi siya sa bakanteng silid na walang gumagamit kaya minabuti na lang niyang paupahan ito.
“Wag na kaya muna natin paupahan ang silid?” Sabi ng asawa ni Miko. Dapit-hapon noon at kasalukuyang nakatambay ang mag-asawa sa salas ng kanilang malaking bahay.
“Sayang naman kasi kung hindi magagamit iyong silid na iyon. Wala naman tayong pwedeng itambak diyan.” Sagot naman ni Miko sa asawa.
Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag-uusap ng biglang tumunog ang kanilang door bell. Agad tumayo si Miko upang sinuhin ang tao sa labas ng kanilang bahay. Dalawang tao, isang babae at isang lalake.
“Ano naman kaya kailangan ng dalawang ito?” Sabi ni Miko sa sarili. Lumabas siya at pinuntahan ang tao sa labas.
“Ano ho iyon?” Si Miko.
“Kuya, nakita ho namin iyong karatula na, “ROOM FOR RENT”, magtatanong ho sana kami tungkol dito.” Ang babae ang sumagot kay Miko.
“Ah. Tuloy ho kayo. Maaari niyo pong tignan iyong silid.” Binuksan ni Miko ang kanilang gate at pinatuloy ang mga ito.
“Ako nga pala si Miko, may-ari ng bahay na ito. 1 month deposit lang ang hinihingi kong paunang bayad dahil hindi ko rin naman talaga kailangan ng pera. Gusto ko lang na may tumao sa silid na pinapaupahan ko. Ang kuryente libre pati na rin ang tubig.” Paliwanag ni Miko habang nakasunod sa kanya ang dalawa.
“Ako nga po pala si Shiela, siya naman po si Joey. Magkapatid ho kami. Naghahanap po talaga kami ng malilipatan kasi magulo doon sa inuupahan namin ngayon.” Kwento naman ng babae.
“Ganoon ho ba? Kung magugustuhan niyo iyong silid, pwede na rin agad kayong lumipat agad.” Pumasok na sila sa loob ng bahay. Nadatnan nila si Eva, ang asawa ni Miko, nakaupo ito sa sofa.
“Ito nga pala ang asawa ko si Eva.” Ngumiti lamang ito sa dalawa.
“Nasa itaas iyong silid. Halikayo, tignan niyo kung magugustuhan niyo.” Nakangiting pinasunod ni Miko ang dalawa sa kanya.
Narating nila ang pinto ng silid. Binuksan iyon ni Miko. Pumasok silang tatlo sa loob.
“Malaki pala ang silid.” Anas ni Shiela nang makita niya ang loob nito.
“Oo nga eh. Wala naman kasi akong pwedeng itambak na kalat kaya naisipan ko na lang paupahan ito. Wala kayong magiging problema sa silid na ito. Wala rin siyang tulo pag umuulan. Saka makapal ang mga pader ng bahay ko. Hindi rin kayo basta lalamigin. Saka 5k ko lang siya pinapaupahan.” Paliwanag ni Miko habang pinagmamasdan niya ang dalawa habang sinusuri nila ang silid.
Tinungo ni Shiela ang bintana at binuksan ito. Kita sa bintana ang kalye na nilakaran nila kanina.
“Isang advantage pa pala, walking distance lang kami sa MRT at LRT. Saan nga pala kayo nagtatrabaho?” Usisa ni Miko sa dalawa.
“Diyan lang ako sa MOA nagtatrabaho, sales clerk. Itong kapatid ko naman sales clerk din sa department store pero sa SM Manila naman siya.” Si Shiela ulit ang nagsalita.
“Tamang-tama naman pala. Kung magugustuhan niyo ang silid, malapit lang din kayo sa work place niyo.” Lihim na nangiti si Miko. Kita kasi sa mukha ni Shiela na nagustuhan niya ang silid. Nagandahan siya sa babaeng ito dahil mukha itong malinis sa katawan. Makinis kasi ang kutis nito.
“Ate, kunin na natin itong silid. Lumipat na rin tayo agad. Ayoko na doon sa inuupahan natin!” Biglang nagsalita ang kapatid ni Shiela na si Joey.
“Kuya, sige ho kunin na namin itong silid niyo. Baka ho bukas lumipat na rin kami agad. Okay lang ho ba?” Si Shiela ulit.
“Walang problema. Mag-aayos na rin ako dito ng konti para paglipat niyo bukas.”
“Maraming salamat ho.”
Sinara na ni Miko ang pinto nang lumabas silang tatlo sa silid. Sinamahan na rin niya ang dalawa palabas sa kanilang bahay. Inalis na rin niya ang karatula sa kanilang gate na, "ROOM FOR RENT".
“Ang asawa ko ay andito lang lagi. Baka kasi hindi ako makauwi ng maaga bukas, siya na lang ang mag-aasikaso sa inyo.”
“Sige po, Kuya. Bukas na bukas din ay lilipat kami.”
“Miko na lang ang itawag niyo sa akin. Eva na lang din ang itawag niyo sa asawa ko, ayaw kasi ng asawa ko iyong mga ganyang tawagan.” Si Miko ulit.
“Ganoon ho ba? Mauuna na kami. Maraming pong salamat.”
Sinundan pa ni Miko ng tingin ang dalawa habang papalayo ito sa kanilang bahay. Nang lumiko na ang dalawa sa isang kalye ay sinara na rin niya ang gate. Pumasok na rin siya sa loob.
“Kukunin ba nila iyong silid?” Tanong agad ni Eva. Tumabi sa kanya si Miko.
“Oo, kukunin daw nila.”
“Maganda iyong babae ano? Boyfriend niya ba iyong kasama niya?” Si Eva ulit.
“Hindi sila magkasintahan. Magkapatid silang dalawa.”
“Kaya pala magkamukha silang dalawa.” Natawa si Eva sa sarili. Hindi na lang umimik si Miko pero lihim din siyang nagandahan kay Shiela.
Kinabukasan. Maagang umalis ng bahay si Miko. Inaasikaso niya ang mga papeles ng itatayo niyang bagong business. Magkikita din sila ng kanyang mga kaibigan at iinom ng konti. Nagpaalam siya sa kanyang asawa na baka gabihin na siya sa pag-uwi.
"Wag kang magpapakalasing masyado ha." Bilin pa ni Eva sa asawa. Humalik pa sa kanya si Miko bago umalis ng bahay.
Naiwan si Eva sa bahay. Nag-ayos muna siya ng mga kalat na kanyang nadadaanan. Pinuntahan niya ang silid kung saan uupa sila Shiela. Nag-ayos din siya dito ng konti. Pagkatapos ay tumungo na ito sa kusina upang magluto ng tanghalian.
Samantala, hindi muna pumasok ng araw na iyon sa trabaho ang magkapatid. Excited kasi silang lumipat sa bago nilang silid. Maganda kasi ang bahay ni Miko, maluwag at tahimik. Laking pasasalamat nila at nakakita sila ng ganitong mauupahan na bukod sa mura na ay maganda pa ang paligid.
"Ate, ang ganda ng lilipatan natin ngayon. Mura na ang upa, maganda pa ang bahay. Tahimik pa sa lugar nila." Sabi ni Joey sa kapatid nitong nag-aayos ng kanyang mga damit.
"Oo nga eh. Mukhang mabait pa si Miko saka iyong asawa niya." Sagot naman ni Shiela.
"Oo nga. Ate, ang ganda ng asawa ni Miko ano? Artistahin! Pero parang wala pa ata silang anak?"
"Hmmm... Baka ayaw pa nilang magka-anak o baka may problema sila kaya hindi sila makabuo."
"Baka nga. Hehehe... Pero ang ganda talaga niya."
"Eh gwapo din naman kasi si Miko!" Sambit ni Shiela.
"Ate, iyong mga gaya ba ni Miko ang type mo?"
"Bakit mo naman natanong iyan?"
"Wala lang. Kasi mula ng umalis tayo sa probinsiya hindi ka na ulit nag-boyfriend eh. Hinidi ko kasi alam kung ano iyong mga type mong lalake. Sino nga ba iyong huli mong boyfriend sa atin?"
"Ahhh. Si Jerry. Ayaw ko muna mag-boyfriend kasi ngayon. Wala naman akong mapapala sa mga ganyang bagay." Sagot ni Shiela sa nakakabatang kapatid. Ngunit bigla niyang naalala ang mga nakalipas niyang kasintahan.
Si Jerry ang pinakahuli niyang naging kasintahan sa kanilang probinsiya. Ito rin ang pangalawang lalake na nakatikim ng kanyang katawan. Ang naka-devirginized kasi sa kanya ay nag-asawa na at umalis na rin sa kanilang probinsiya. Hinding-hindi niya malilimutan ang mga gabing pinagsaluhan nila ng dating nobyo. Bumalik ito sa kanyang mga alaala ng sandaling iyon.
"Jerry, wala ba talagang makakakita sa atin dito?" Tanong ni Shiela sa kanyang nobyo. Naglalakad silang dalawa patungo sa isang bakanteng bahay sa gitna ng kakahuyan sa kanilang lugar.
"Wala! Sino ba ang pupunta dito ng ganitong oras? Tulog na ang lahat ng tao maliban sa ating dalawa." Tugon ni Jerry.
Pumasok silang dalawa sa loob ng bahay. Madilim ang loob ng bahay at nakakabinging katahimikan lamang ang iyong maririnig. Isang hakbang pa lang ni Shiela papasok ng bahay ay bigla na siyang sinubasib ng halik ni Jerry. Gumanti rin siya sa mga halik nito. Tuluyan silang nakapasok sa kaloob-looban ng bahay habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi.
"Jerry..." Ungol ni Shiela. Hinahalikan siya ng nobyo sa leeg.
Kumalas muna sa pagkakahalik si Jerry. Naghanap ng pwede nilang higaan. Tamang-tama at nakakita siya ng isang malapad na karton. Inilatag niya iyon sa sahig ng bahay. Hinila si Shiela patungo sa kartong ito. Naglapat ulit ang kanilang labi hanggang makahiga sila sa karton.
Gumapang ang mga kamay ni Jerry sa katawan ng nobya. Pumasok ito sa loob ng kanyang damit patungo sa malulusog niyang dibdib. Marahang pinisil ang malambot na suso ng dalaga.
"Aaahhh... Jerry..." Ungol ni Shiela nang maramdaman niya ang init ng palad ng nobyo sa ibabaw ng kanyang suso.
Nawala ang lahat ng ito sa kanyang memorya nang kalabitin siya ng kanyang kapatid. Muling bumalik ang kanyang katauhan sa realidad.
"Ate, anong nangyari sa iyo?" Nagtataka si Joey sa kanyang kapatid dahil nakatingin ito sa kawalan.
"Ha?! Ah.. Eh.. W-wala, wala. Kumain na nga muna tayo. Mamaya na lang natin tapusin ito." Bahagyang nataranta si Shiela ng sandaling iyon.
Kumain muna ng tanghalian ang dalawa. Konti na lang naman ang kanilang gagawin. Naka-impake na lahat ang kanilang gamit. Lilinisin na lamang nila ang silid na kanilang tinutuluyan bago magpaalam sa may-ari nito.
"Ate, hindi kaya magalit ang may-ari sa atin?" Tanong ng kapatid.
"Hayaan mo na siya. Bayad naman ang upa natin eh. Ayaw niya ba iyon? Hindi na natin gagamitin ang 1 month advance natin? Libre na ulit siyang maghanap ng uupa dito sa silid niya." Sagot ni Shiela.
Natapos silang maglinis ng silid. Hindi na nila nakuhang maligo at mag-ayos ng kanilang mga sarili. Lumabas ng silid si Shiela upang hanapin ang may-ari ng bahay na si Aling Choleng.
"Nasaan ba ang matandang iyon?" Bulong niya sa sarili.
Napadaan siya sa likod ng bahay. Nakita niya ang matanda na nag-iigib ng tubig.
"Aling Choleng!" Mahinang sigaw ni Shiela.
"Sinong?" Lumapit na si Shiela sa matanda.
"Aling Choleng, hindi na ho namin gagamitin ang one month advance namin. Aalis na ho kami kasi ngayon. Biglaan lang kasi ito. Maaari na ho ulit kayong maghanap ng ibang uupa sa silid. Saka maraming salamat po sa lahat."
"Ha?! Agad-agad ang alis niyo? Saan naman ang punta niyong magkapatid?" Garalgal ang boses ng matanda.
"Mahabang istorya ho kasi kung ikukwento ko pa. Mahuhuli na kasi kami sa biyahe. Dadalawin ko na lang kayo dito minsan."
"Ganoon ba? Mukhang may hinahabol nga kayo. Siya sige, humayo kayo kung saan man kayo pupunta. Pero nilinis niyo ba ang silid?"
"Malinis na ho ang lahat sa silid. Wala na ho kayong dapat alalahanin pa."
"Siya, mag-ingat na lang kayo sa biyahe niyo."
"Maraming salamat po!" Tumakbo pabalik ng silid si Shiela upang sabihan ang kanyang kapatid na nagpaalam na siya sa matanda.
"Joey, halika na! Nagpaalam na ko sa matanda. Pumayag na rin siya."
"Talaga, Ate? Ano naman ang ginawa mo sa kanya at hindi ata nagsungit sa iyo?"
"Hindi ko nga rin alam eh. Nagulat ako at parang ang bait-bait niya kanina."
"Tara na! Baka magbago pa ang kanyang isip." Usal ni Joey.
Nakarating sila sa bahay ni Miko dapit-hapon na ng araw na iyon. Sinalubong silang dalawa ni Eva.
"Akala ko maaga kayong dadating." Sabi ni Eva sa dalawang magkapatid.
"Naglinis pa ho kasi kami sa dati naming tinutuluyan eh." Si Joey naman ang sumagot.
"Ate, ikaw lang ho ba mag-isa lagi dito sa bahay?" Si Joey ulit.
"Ay naku. Huwag mo na kong tawaging ate. Eva na lang ang itawag niyo sa akin. Hindi kasi ako komportable sa ganyang tawagan."
"Pasensiya na, Eva. Makulit kasi itong kapatid ko. Sinabihan na nga kami ni Miko kahapon tungkol sa bagay na ito." Si Shiela na ang sumagot.
"Okay lang. Sige, tuloy kayo. Maayos na iyong silid niyo."
Pumasok na ang dalawa sa bahay. Dumiretso agad sila sa silid na kanilang silid na tutuluyan.
"Maganda talaga ang silid na ito, ano?" Si Shiela.
"Oo nga, Ate. Buti nakita natin ito."
"Dito ka lang muna, Joey. Puntahan ko lang si Eva." Sambit ni Shiela. Lumabas siya ng silid at tinungo nga si Eva.
"Eva, saan ang banyo niyo?"
"Tamang-tama papunta rin ako sa kusina. Halika, ituturo ko sa iyo."
Sumunod naman si Shiela sa kausap. Nagtungo sila sa kusina. Narito kasi ang palikuran ng bahay.
"Ito ang banyo ng bahay. Pero mayroon kaming sariling banyo sa aming silid ni Miko. Pwede niyo rin gamitin ang kusina. Pero mayroon din naman bakanteng kusina doon sa gilid, maaari niyo rin iyong gamitin. Ano sa tingin mo?" Tanong ni Eva kay Shiela.
"Malaki rin pala ang kusina niyo dito."
"Oo. Feel at home lang kayo dito. Pwede niyo rin gamitin ang mga gamit namin."
"Maraming salamat, Eva. Siguro maliligo muna ako ngayon. Hindi na kasi ako nakaligo doon sa dati naming tinutuluyan eh. Excited kasi kaming lumipat ng kapatid ko."
"Okay. Dito lang ako sa room ko or sa salas kung kailangan mo ko ha." Nagpaalam na si Eva sa kausap. Kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at nagtungo na ulit ito sa salas.
"Ang bait pa ng mga tao dito." Sa isip ni Shiela. Nagtungo siya sa kanilang silid upang kumuha ng gamit pang-paligo.
May Karugtong...
No comments:
Post a Comment